Pumunta ako sa famous Modern Toilet Restaurant sa Ximending, Taipei. 3 blocks away siya galing sa Ximending Station or Ximending Night Market. Check niyo na lang sa Google map yung direction. Nung unang gabi na pumunta ako 8pm na at hindi na sila tumatanggap ng walk-in customers dahil wala na daw food. Kaya nung sumunod na gabi, 7pm nandoon na ako para siguradong makakakain ako.
Restaurant
Ito yung building ng restaurant. 4 floors siya pero yung 1st floor ay entrance lang nila dahil sa display ng toilet. Sa second floor naman ang reception at cashier nila.
ENTRANCE
Pagdating dito, makikita agad ang display ng toilet. Meron menu sa tabi ng sign. Kaya makikita na kung ano ang food nila.
ORDERING
Kapag nasa table na, bibigyan ka ng order sheet at menu. Ikaw mismo ang magsusulat ng order mo kasama ang total price ng order. Pagkatapos mo sa menu, pupunta ka na sa cashier para magbayad. Nagulat ako kasi hindi siya yung usual set-up na may naghihintay na waiter sa iyo para sa order mo. Good din siya kasi alam mo agad yung total ng bayad mo at the same time hindi din awkward doon sa waiter na naghihintay ng matagal para sa order. Tapos sigurado ka din sa order na kinuha mo. Parang inventory na din nila at alam nila kung gaano kadami ang customers nila per day.
MENU
FOOD
Ito ang order ko. Fun platter at Mango bingsu kasi nakapag-dinner na ako sa night market. Kaya nag-decide ako na dessert lang pero sinamahan ko pa ng snack. Solo lang ako kaya yung natirang snack ay take-out ko na lang. Yung serving kasi nila sa Taiwan ay good for two compare sa serving dito sa Pinas. So kahit saan ka pa kumain tapos solo ka lang, for sure na mabubusog ka.
RESTAURANT
TOILET AND HANDWASH AREA
So, lahat ay toilet set-up. Good naman ang food nila. Hindi ko lang natikam yung iba pang food kasi kumain na ako sa night market. Siguro sa susunod na pumunta ako, try ko naman yung pasta nila. Ang cute lang ng set-up nila. Enjoy! ^_^