Seoul Trip 2018: Songgolmae Paragliding and Everland Resort

Songgolmae Paragliding at Yongin

This is it, ang unang beses kong ma-experience mag-paragliding. First, nag-check ako ng mga kakaibang activity na wala dito sa Pinas or hindi ko pa nasusubukan. Dahil napanood ko yung episode ni Bogummy sa 2 Days and 1 night na nag-paragliding sila sa isang province sa South Korea, kaya nag-check ako sa Klook kung meron. Nakita kong meron sila pero yung price sa Klook at main website ng Songgolmae ay malaki ang diference. So better na sakanila mismo magpa-reserve ng activity kaysa mag-Klook. May friend ako na naka-stay sa Korea at tinawagan nila para mapa-reserve ako ng slot. Pwede niyo din silang kontakin sa email or website nila. Pwede din pagdating pa lang sa Korea ay tawagan na sila para slot reservation.

Songgolmae Paragliding Website: www.songgolmae.co.kr

Price: 90,000 KRW – with pictures and video

So this is it. My favorite breakfast place bago pumunta sa ibang lugar. Ito ang nasa station na malapit sa guesthouse ko, kaya good na din ito para bumili ng snack or breakfast.

Then start na ang long train ride ko galing sa Cheonggu station papunta sa Yongin station. Yellow line ang Yongin.

From Cheonggu station going to Wangshimni station. Transfer from Wangshimni station (Bundang line – yellow) going to Giheung station. Another transfer from Giheung station – green line, to Yongin Everline.

Better na mag-train lang than bus para diretso lang ang biyahe at puro transfer na lang ng station. The more na palayo ng palayo sa Seoul area, mas tumatahimik ang subway stations dahil wala masyadong tao. Feeling ko magkakaroon ng zombies, mala-Train to Busan feels, hahaha. Paano ba naman, super tahimik tapos wala masyadong tao. Wala pang 5 ang bababa sa malalayong stations, hahaha. Sobrang probinsya na kaya wag ng magtaka bakit walang tao, hahaha.

Pagbaba ko sa Yongin Everline station, nag-lunch na muna ako. Sa baba ng station ay puro restaurant at umorder ako ng jajjangmyeon na may rice. Mabait yung may-ari ng restaurant. Yung restaurant ay parang family restaurant. After nila i-serve yung food ko, nag-usap yung family at nag-set-up sila ng table sa katabing table ko para sabayan akong kumain dahil wala silang ibang customer. Super sarap ng food nila. Then nag-punta na ako sa bus stop sa kabilang side.

Ang problema, yung bus numbers sa google map ay wala sa list ng bus stop na ito. Nakakatuwa nga eh, kasi habang naghihintay ako sa bus station may lola na naghihintay din at binigyan ako ng ginger candy. Grabe, sobrang tindi nung candy para akong kumain ng literal na luya, hahaha. Napansin ko na, kapag nasa province area ka sa Seoul, may changes sila sa bus numbers na hindi updated sa google map. Naka-wifi lang ako at walang sim card. Kaya naghanap ako ng Kakao Taxi at Kakao Talk sa apps para mag-taxi ako papunta sa Songgolmae. Though pwede akong sunduin ng staff ng Songgolmae kaso wala akong pang-tawag kaya nag-decide akong mag-taxi. Galing sa bus station going to Songgolmae, 10,000 KRW siya.

Pagdating ko sa Songgolmae, walang tao. Puro cute doggies ang sumalubong sa akin. Sobrang init sa loob kasi may heater sila. Mabundok yung area at halos 3pm na nung dumating ako. Naghintay ako na may darating tao. Kaya lumabas ako para magtanong sa iba. Sabi nila nasa kabilang daan yung mga staff. Hindi ko alam kung saan yung daan na sinasabi nila kaya nag-download ako ng app na good sa international call para matawagan ko sila. Dumating yung staff at nagbayad na ako sakanila then pina-iwan na yung mga gamit ko sa station na yan. After nun ay pinasakay na niya ako sa truck para sunduin na din yung ibang staff kasabay namin pag-akyat sa bundok para lumipad.

Nagulat ako kasi may sarili silang gate sa paakyat ng bundok at may susi para mag-open yung gate. Yung itsura ng gate ay katulad sa mga toll gate. First time ko din sumakay sa ganitong Korean truck nila, hehehe. Napapanood ko lang ito sa mga K-drama, hahaha. Nagulat yung mga staff na solo traveller lang ako lalo na at babae ako at first time kong mag-paragliding pero sinabi ko na second time kong pumunta sa Korea.

Nung una, kinabahan ako kasi nasa gilid kami ng bundok. Yung tatlong staff ay support sa paghawak ng parachute bago lumipad. Yung babaeng staff ang tumulong sakin magsuot ng gear. So, bumilang ako ng tatlo at ako ang tatakbo. Habang yung guide ko ang nag-control ng parachute namin. Sa una medyo kabado pero nung pagtakbo ko at nasa ere na kami. Grabe, ang sarap ng feeling na para akong ibon lumilipad sa tabi ng bundok. Sobrang ganda ng view tapos sunset na. Same feeling ng parasailing sa Boracay pero mas masarap yung paragliding dahil yung guide ay dadalhin ka sa iba’t-ibang part ng area kahit na nasa tabing bundok lang kami. Sobrang sarap niya sa pakiramdam. Yung mga puno ang sarap pagmasdan kasi red at orange ang mga kulay nila dahil autumn season. Buti na lang din at tama lang yung suot kong damit para hindi ganun kalamig sa taas kahit mahangin. Sobrang sulit yung biyahe at experience.

Pagkatapos nito ay binigay ko yung email address ko para doon nila isesend sakin yung video at pictures. Medyo mahal ang price nila compare sa Taiwan kasi yung videos ko sa Taiwan ay ibibigay nila yung SD card dahil kasama na siya sa bayad. Dito sa Korea, send lang through email. After ko dito ay hinatid na ako ng isang staff sa bus station papuntang Everland.

EVERLAND RESORT

Everland (에버랜드)

Address

199, Everland-ro, Pogok-eup, Cheoin-gu, Yongin-si, Gyeonggi-do
경기도 용인시 처인구 포곡읍 에버랜드로 199 (포곡읍)

Type: Parks

Inquiries

• 1330 Travel Hotline: +82-2-1330
(Korean, English, Japanese, Chinese)
• For more info: +82-31-320-5000
(Korean, English, Chinese)

Homepage: everland.com (Korean, English, Japanese, Chinese)

http://www.everland.com/web/multi/english/everland/main.html#

Introduction
Everland Resort entertains visitors all year long with various rides, festivals, theme areas, and Zootopia, perfect for a great amusement park. It houses diverse attractions which are available to enjoy with no age limits, different themed festivals including Tulip Festival, Rose Festival, Summer Splash, Halloween Festival, Romantic Illumination, and other festivals all year long. One of the park’s most famous rides is T-Express, Korea’s first wooden roller coaster, popular among young visitors. Zootopia is a must-see as it spans over an area of 15,000㎡ and exhibits 2,000 animals of 201 species. Lost Valley opened in 2013 and features the largest ecological safari world and offers a tour by amphibious car to see 150 animals of 20 species. A pair of giant pandas given from Chinese president Xi Jinping as a symbol of friendship between Korea and China can also be seen at Panda World.

Opening date
April 17, 1976

Closed
N/A (Open all year round)

Operating Hours
10:00-21:00
Operating hours vary by day of week. Please visit the official website.

Parking Facilities
Available

Admission Fees
[Admission + Rides]
– One-day Ticket: Adults 56,000 won / Teenagers 47,000 won / Children & Seniors 44,000 won
– Night Ticket (after 17:00): Adults 46,000 won / Teenagers 40,000 won / Children & Seniors 37,000 won
– Two-day Ticket: Adults 87,000 won / Teenagers 73,000 won / Children & Seniors 69,000 won

* Includes free admission to Ho-Am Art Museum for the day.
* Extra charges for coin-operated rides, rentals, animal rides, and special exhibitions.
* Two-Day Tickets are not available via online or mobile reservation.
* Online or mobile reservations not applicable.
* Discount for seniors over 65, teenagers 13-18, children 36 months-12 yr old. ID required.
* Under 36 Free. If you want to use the Infant Only Facilities, you have to purchase the Infant admission + rides ticket.

Restrooms
Available

Reservation Info. for Foreigners
Inquiries: +82-31-320-5000

Pets
Not permitted (excluding guide dogs)

Link: http://english.visitkorea.or.kr/enu/ATR/SI_EN_3_1_1_1.jsp?cid=264235

Pagdating ko sa Everland, katulad din pala siya ng Disneyland sa California. Mag-bus ride muna papunta sa main gate ng Everland. Halos 5pm na nung dumating ako pero nakapasok pa din ako. May discount sila ng ticket para sa mga tourist kaya medyo nakamura ako ng ticket.

Pagpasok ko sa loob, iniwan ko yung bag ko sa locker room. Sa lugar ng friend ko ako nag-stay kaya hindi ako bumalik ng Seoul nung gabi. Nagpapalit muna ako ng coins dahil konti na lang ang coins ko. Dito, kapag naipasok mo na yung bag mo hindi mo na makukuha yung coins mo. Unlike sa Japan locker rooms, makukuha mo yung coins mo after mong kunin yung bag mo.

Pagdating ko sa Panda World, hindi na ako umabot kasi gabi na. Grabe lang sa lamig habang pagabi ng pagabi na. Sobrang hindi ko inexpect na mas malamig sa Yongin compare sa Seoul. Kaya nung time na yan, hanggang sa hintayin ko yung parade sobrang ginaw na at kulang ang heat patch ko. Kaya nag-picture na lang ako sa ilan area at hinintay ko na lang yung parade. Second day ko palang ito sa Korea kaya wala pa akong nabibiling long padded winter jacket. Kaya tiis-tiis na lang muna sa lamig.

Halos 8pm na ata akong umalis sa Everland. Grabe lang kasi kahit gabi na, eh hindi madilim sa kanila. Lahat talaga maliwanag ang mga kalsada. Maliban sa halos lahat ng area nila ay may cctv, very safe din maglakad kahit gabi na kasi maliwanag ang mga kalsada. Hindi ko man naabutan yung mga panda pero nakabili ako ng ilan mga panda souvenirs para sa collection ko. Kaya happy pa din naman. Sobrang sulit yung biayhe dahil sa experience ko mag-paragliding. If plano niyo mag-paragliding. Mas better na mas maaga sa paragliding para mas madami din activity sa Everland para makapag-rides din. More adventures, more experiences! ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s