Travel Tips – South Korea Trip πŸ‡°πŸ‡·

1) ITINERARY
a – places – isulat mo yung mga gusto mong puntahan. Museums, activities, or exact place.

b – time – check mo yung schedule ng lugar. Yung araw na close sila at yung exact time ng operating hours. Also don’t forget yung rush hour. 6pm-8pm ang rush hour. Kapag rush hour, better to use subway kahit na medyo punuan. Kaysa ma-stuck sa traffic ng ilang oras sa bus. If mang-gagaling sa labas ng Seoul, better na before 6pm magtravel na pabalik ng Seoul, just in case na nasa Seoul ang hotel para hindi mahirapan umuwi kapag malapit ng mag-midnight.

c – distance – gaano kalayo sa lugar mo yung pupuntahan mo. Ano yung travel time niya simula sa hotel mo o kung saan ka manggagaling.

d – transportation – ano ang mga sasakyan mo? Subway, bus o taxi if kailangan.

e – top priority – sa dami ng pwede mong maisulat pero dapat naka-mark kung alin ang mga top place na gusto mo talagang puntahan for that day or activity na gusto mong gawin.

f – entrance fee – always check the entrance fee and tourist discounts. Kaya importante na laging dala ang passport para sa tourist discount. Check sa exact website nila kasi madalas mas mura sa pinaka-website nila dahil madalas silang mag-announce ng discounts para sa tourist. Which is, may times na mas mahal pa sa Klook kaysa yung doon sa main website/place ka bibili ng entance ticket. Always check kung saan ka makakamura. Meron kasi silang whole day ticket, half-day or evening lang. So check your schedule, ahead of time.

 

2) WEATHER / SEASON
a – season – dapat alam mo kung ano ang season the day na darating ka, para alam mo kung ano ang mga kailangan mo.

b – temperature – dapat alam mo din kung gaano na kalamig o kainit para hindi magkaproblema sa bagahe.

c – weather forecast – dapat alam mo din kung may chance na umulan. Kaya magdala ng payong kung kinakailangan pero syempre need mo icheck-in yun.

 

3) BUDGET / CURRENCY
a – Korean Won – as much as possible may dalang Korean won pagdating kahit na 90,000krw just in case na late dumating sa airport at sarado na ang money exchange, meron back-up.

b – US Dollars – ito ang kadalasan gamit kapag nasa ibang bansa kaya dapat may sapat na dollars pagdating.

c – PhP – pwedeng mapalitan ito sa airport or sa Myeongdong area. Ang money exchange sa Myeongdong mas malaki ang palitan ng dollars/peso compare sa airport.

d – Extra money – always do bring an extra just in case of emergency.

e – Travel Spend app – useful app para makita mo kung magkano ang nagastos a day, just in case na tipid mode/wise spending sa trip.

f – Credit / Debit Card – just in case you have one. Inform mo lang ahead of time sa bank mo.

 

4) TRANSPORTATION
a – subway – better na mag-subway para sa malayuan biyahe kaysa mag-bus. Ang bus ay mag-stop sa bawat bus station so mas matagal ang travel time. 6am – 12mn operating hours (sabi nila).

b – bus – ok ito kung gusto mong makita yung paligid habang nagtatatravel at kung ilan stations lang ang pupuntahan.

c – taxi – just in case rush ka na or minsan mas easiest way makapunta sa destination if may times na wala sa app yung bus number ng isang area. May ilan lugar outside sa Seoul na may changes sa bus number na wala sa list ng Naver Map or Google Map. Either magtanong sa local or mag-taxi.

d – T-Money Card – ito ang laging gagamitin sa transportation pero pwede din magamit sa C.U. store, 7-Eleven, Starbucks, etc. base sa list ng stores nila na accredited ng T-Money. Mag-reload lang sa subway stations at convenient stores (C.U. at 7-Eleven). 9,000krw ang price ng card. Mabibili ito sa information centers, Incheon Airport, at convenient stores.

 

5) USEFUL APPS/GUIDES/NEED
a – Map – Google Map or Naver Map, very useful app sa lahat kasi dito ka muna magchecheck ng lugar na pupuntahan at kung ano ang best way na masasakyan. Detailed siya kasi may subway, bus or taxi na nakalista. May options ka.

b – Kakao Metro – sa subway ito, the best way na masasakyan mo sa isang area kasi madami siyang options pero always choose the fastest or easiest trip.

c – Kakao Bus – medyo complicated lang siyang gamitin kaya minsan sa Naver Map na lang.

d – Kakao Taxi – ito ang Grab or Uber ng Korea, kaya walang problem if hindi ka marunong mag-Korean. Ichecheck na lang nila sa map at ipapakita nila if tama yung area na nakalist sakanila.

e – Airvisual – dito makikita kung medyo hindi maganda ang pollution sa isang area. May times kasi na medyo hindi ok ang hangin sa labas dahil sa season. Kaya kapag nasa 80 up na, maraming nakasuot ng mask. Kaya better na may mask para iwas sakit din.

f – Area map/Information Center – madaming tourist information every district kaya pwedeng humingi ng detailed map per area na mapupuntahan. From restaturants, museums, stores, toilets, etc. Lahat yun nasa list ng map. Very detailed and useful.

g – Pocket wifi – pwedeng mag-rent sa airport pero better na magpa-reserve para assured na meron. Sakin sa Klook ako kumuha, para makikita mo din kung magkano yung rent mo sa ilang days ng stay. Very useful ito lalo na kung maglilibot ka para hindi ka na magcoconnect lagi sa public wifi. So matrace mo din sa google map yung area mo lagi.

h – Empty tumbler – useful ito sa lahat ng trip. Makakapag-refill ng tubig sa mall, airport, restaurant or hotel kasi may free water sila lagi. Sa mga stall lang wala. Tipid ka na sa tubig.

i – Korean language – try to learn the basics para at least may alam kang words.

j – Korean menu/food – just in case na walang picture yung menu nila, atleast meron kang maipapakita. Alamin mo din kung ano ang ingredients, in case na hindi mahilig sa maanghang or allergic reaction sa food

 

6) USEFUL THINGS TO BRING
a – Universal travel adapter – bring 1 or 2, ito ang una sa lahat para makapagcharge ng kahit ano.

b – Extension cord – para mas madaming mag-charge ng battery, power bank at cellphone, better to bring one.

c – Power bank – dahil laging nasa labas, kailangan may extra power bank. In case of emergency lalo na at laging gagamitin ang phone para mag-picture or google map.

d – Extra batteries – bring 1 or 2 extra battery para sa camera. Sayang ang moment.

e – Tripod/Monopod – very useful ito lalo na kapag solo traveller. Timer lang/remote at tripod, may magandang shot ka na.

f – Camera – ito ang best souvenir na meron ka sa buong trip basta wag lang blurred ang picture at video, hehe.

 

7) SHOPPING
a – Discounts – hindi lahat ng store pare-pareho ang price kapag nagsale sila ng buy 1 take 1. So check first kung saan mas mura kahit na same sila ng concept. May ilan naman, may kaniya-kaniyang store kung ano ang product na gusto nilang ilagay sa sale.

b – Subways – true na mas makakamura ka sa mga store na nasa subway kaysa sa labas. May ilan naman eh bagsak presyo, kaya kung lagi kang sumasakay sa subway madami kang makikitang mura.

c – Market – kung minsan wala yung item sa subway or may ilang specific subway lang na doon mo lang talaga mabibili ng mura. Kaya kapag malayo yung subway station na yun, try to check the nearest market. Katulad ng Dongmyo market, Dongdaemun market, Gwangjang market, etc.

 

LASTLY.
ENJOY every moment. Maligaw ka man, madali lang makabalik.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s