Goodbye First Love: The Promise 

Chapter 5: The Promise

Karamihan kapag nag-promise ang tao sa iyo ay mag-eexpect ka na gagawin niya yun lalo na kung minsan lang niya sabihin yun.
One night na pumunta siya sa event namin na hindi ko inexpect na pupunta siya kasama ang family niya. Nanonood ako ng video presentation. Lahat ng ilaw nakapatay at karamihan ay nanonood. Habang nakaupo ako ay biglang may tumabi sakin. Nagulat ako at napangiti dahil minsan na lang kami magkita kaya masaya akong nagpunta siya.
Sinamahan ko siya at napag-usapan namin ang tungkol sa studies. Madaming bagay siyang ikinuwento sakin. Bago kami mag-uwian sinamahan niya ako sa kotse para magpaalam.
Sabi niya, “Punta ka sa camp ah. Hihintayin kita. Promise pupunta ako.”
Sabi ko, “Oo, pupunta ako. Sige, bye. Ingat.”

Camp Day…
Lumipas ang araw ay hindi siya dumating. Second day ng umaga, napansin kong wala pa din siya.
Sabi ko, “Mukhang hindi na talaga siya darating. Sabi niya pupunta siya pero wala naman.”
Pagdating ng hapon, natulog ako at nagpahinga. Pagkagising ko, naghanap ako ng pagkain. Napa-upo ako saglit sa stairs sa labas ng auditorium. May dumaan ale na nagtitinda ng miryenda pero hindi ako bumili. Maya-maya ay napansin kong parang may tumatawag sakin.
Sabi ko, “May natawag ba sakin o baka iba yun? Bahala na.”
Unti-unti ay napansin kong may natawag talaga sakin. Pagkalingon ko ay siya ang nakita ko. Madali akong umalis papunta sa dagat. Hinabol niya ako at nag-sosorry.
“Uy, sorry na. Dapat kahapon pa talaga ako nandito.”
Nag-explain siya at hindi ko pinapansin.
Habang nasa dagat kami at naglalaro lang ako ng sand ay pinipilit niyang mag-sorry. Hanggang sa hindi ko na siya natiis at naglaro na kami. Kinuwento niya kung bakit siya hindi nakarating agad. Sabi niya sa akin susunod ay mag-iinform sakin agad kapag na late siya. Yung mga oras na yun ay magdamag kami sa tabi ng dagat at naglalaro ng sand. Pinagmasdan namin ang sunset bago kami mag-dinner.
Yung promise na minsan niyang makalimutan pero tinupad niya. Yung inakala mong hindi siya magpapakita pero ginusto niya talagang gawin ang bagay na yun, na-appreciate ko yung effort niya. It may be a small thing but meant for something big. Keeping a promise is a big thing because you’re hoping for it. Big thing na yung makita siya lalo na kung minsan lang kayo sa isang taon para magkita ng personal. Sometimes if you don’t keep the promise, it may never be done. There’s no second chance to do it because its too late.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s