Goodbye First Love: The Swing

Chapter 3: The Swing

Holiday at vacation naman kaya sabi ko, “Yehey, walang pasok. Hindi ko din siya makikita.” Pumunta kami sa isang camp. Madalas kaming mga bata ay nag-swimming at naglalaro lang. Isang hapon habang naglalaro ako mag-isa sa swing, biglang may lumapit sakin. Sabi niya, “Bakit mag-isa ka lang diyan?” Paglingon ko sabi ko sa isip ko, “Bakit nandito din siya?” Nung una akala ko ay mang-aasar lang siya pero nag-aaya siyang makipaglaro. Simula ng oras na yun ay nakipaglaro siya sakin. Nag-aya kami ng iba para madami kaming kalaro. Doon ko nakita na may iba pala siyang good side na doon ko lang nakita. Nung araw na yun hanggang sa matapos yung camp ay madalas kaming magkasama at magkalaro.
Nagpupunta kami sa pond at dahil sa probinsya yung lugar may mga palaka. Nung una ayaw niyang hawakan yung palaka. Biniro ko siya at kunwaring ibibigay sa kaniya. Nagtawanan kami at naghahabulan. Yung mga nakikita namin palaka ay pinapapunta namin sa pond para makita namin kung lalangoy sila. Kung minsan naman ay naghahanap kami ng makahiyang dahon kasi natutuwa kami kapag sumasara na yung dahon. Nung last day ng swimming namin, nauna siyang umalis sa swimming pool at hiniram niya yung bath robe ko. Nung gabi ay pinuntahan ko siya sa room niya pero wala siya. Kaya yung lola niya na lang nagsauli ng bath robe. Pagbalik ko sa room namin, naghihintay pala siya sakin sa pinto. Magkasama kami nung gabing iyon at ang dami napag-usapan. Kaya doon ko nakita na ok din naman pala siyang kasama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s