Bestfriend to Relationship

Most of us, meron tayong tinatawag na bestfriend. Kung minsan simula bata ay siya na yung tinatawag mong bestfriend. Karamihan na din ay may mga opposite sex na mag-bestfriend. May ibang magkaibigan na hanggang bestfriend lang talaga. Yung iba naman ay hindi nila alam kung may gusto na sila sa isa’t-isa. Kung minsan naman ay one-sided love lang. Isa sa kanila ay matagal ng may nararamdaman sa kaibigan nila pero may iba naman mahal. Kaya kung minsan ay nag-give way na lang yung isa. Kung minsan pa ay kapag pinakilala ka niya sa iba ng “bestfriend ko since…” parang natusok ka. Ikaw, minamahal mo ba ang bestfriend mo o someone close friend mo na parang bestfriend mo na din?

Most likely, sa simula ay friends lang talaga kayo. At some point, habang tumatagal na mas nakikilala niyo na ng buong-buo ang isa’t-isa doon nagsisimula ang lahat. Kung minsan mas ok na din na siya yung minahal mo at naging partner mo kasi mas komprtable kayo sa isa’t-isa. Kilala mo na buong pamilya niya at higit sa lahat alam mo na halos lahat ng bagay sa kaniya kaya buo din yung tiwala na binibigay mo sa kaniya.

Kung minsan din ay may disadvantage din kapag nag-confess ka sa kaniya na mahal mo siya. Kung minsan ay hanggang bestfriend ka lang talaga at magiging awkward yung situation. Kung minsan naman ay parang joke lang sa kaniya yung confession mo. Ganun talaga. Hindi lahat ay pareho kayo ng nararamdaman sa isa’t-isa. Kahit na ganun man, isa ka pa din sa mga taong pinagkakatiwalaan niya. Atleast, alam mo sa sarili mo na minahal mo siya ng totoo at baka hindi mo din alam na may iba din palang naghihintay sa iyo. Naging kayo man ang nakatadhana o hindi, ang mahalaga kayo pa din ang mag-bestfriend. In love ka man o naghihintay sa taong nakalaan para sa iyo, idaan mo na din sa panonood. Baka sakaling maka-relate ka, hihi. Enjoy watching! Samahan mo na din ng popcorn. ☺✌🏻

Here’s my list of bestfriend to lovers movies and series. Yung iba aalalahanin ko pa, hihi. Pwede din po kayong mag-share para panuodin ko. Comment below. ^_^

Filipino movies
– Kung Ako Na Lang Sana by: Aga Muhlach and Sharon Cuneta
– Labs Kita OK Ka Lang by: Jolina Magdangal and Marvin Agustin
– Paano Na Kaya by: Gerald Anderson and Kim Chui
– She’s the One by: Ding-Dong Dantes and Be Alonzo
– One More Chance by: John Lloyd Cruz and Bea Alonzo

American Movie
– Sky High

Korean Series
– Reply 1997
– Reply 1988
– Third Rate My Way / Fight My Way

Taiwanese Series
– Ying Ye 3+1

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s